Wednesday, March 18, 2015

Sakit ng Ngipin

Ang sakit ng ngipin ay anumang kirot o pananakit sa palibot ng ngipin.

Paggamot ng Tubig

  1. Magsipilyo ng ngipin tuwing matapos kumain. Pagkatapos magsepilyo, imasahe ang mga malinis na daliri sa mga gilagid.
  2. Lapatan ng yelong nakabalot ng damit sa loob ng 30 minuto ang namamagang pisngi dahil sa pamamaga ng mga gilagid. 
  3. Ang mga lunas na ito ay pangsamantala lamang. Kumunsulta sa dentista para sa mga sira ng ngipin.

Paggmot ng Halaman

   1. Abukado



  • Humiwa ng maliit na piraso ng buto ng abukado na lalapat sa butas ng ngipin.
  • Gamiting pamasak sa butas ng ngipin. Palitan dalawang beses maghapon.

   2. Bawang

  • Humiwa ng maliit na piraso na sapat sa butas ng ngipin.
  • Ipasok sa butas ng ngipin. Gawin dalawang beses maghapon.

   3. Kataka-taka

  • Magdurog ng mga dahon.
  • Itapal sa namamagang bahagi ng mukha.

   4. Herba Buena 

  • Magdikdik ng mga sariwang dahon at katasin.basain ng katas ang isang maliit na ppiraso ng bulak.
  • Ipasak ang bulak sa loob ng ngipin.
  • PAHIWATIG: Ang mga lunas na ito ay pansamantala lamang. Magpatingin sa dentista para sa mga nararapat na lunas.

2 comments:

  1. salamat malaking tulong to saken thanks for sharing

    Sakit.info

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete