Wednesday, March 18, 2015

"Anghit"


Ang anghit ay masamang amoy ng katawan na nagbubuhat sa mga kilikili.

Paggamot ng Tubig

  1. Maligo at magpalit ng malinis na kasuotan araw-araw, apti ang kasuotang panloob.
  2. Magpalit ng kasuotan tuwing mapapawisan ang mga ito. Higit na mabuti na maligo muna bago magpalit ng kasuotan.
  3. Umino ng anim na basong tubig o higit pa sa panahong gising.
  4. Iwasan ang mga pagkaing nagtataglay ng maraming pampalasa. Kumain ng maraming gulay at bungang-kahoy.

Paggamot ng Halaman

   1. Tawas
  • Dikdikin nang pino ang isang katamtamang laki ng tawas.
  • Haluan ng katas ng 1 o 2 kalamansi.
  • Lagyan nito ang magkabilang kilikili tuwing matapos maligo at tuwing kailangan ito.Gamitin itong deodorante.

   2. Buyo-Kalamansi

  • Magkatas ng mga dahon ng buyo at haluan ng katas ng kalamansi.
  • Ipahid na parang deodorante tuwing matapos maligo at sa pagtulog.

1 comment: