Wednesday, March 18, 2015

Halamang Nagpapagaling

Ano Ba ang Halamang Nagpapagaling?


       Ang pagbabalik sa likas na pampagaling, ang paggamit ng mga gamot na organiko, ang siyang kailangan ng ating panahon. Mataas ang halaga ng mg gamot. Hindi rin tiyak na may mabibili sa lahat ng panahon. Kailangan natin ang mga praktikal na lunas sa ating mga karaniwang karamdaman. Kailangan nating muli natuklasan ang nagpapagaling na mga elemento sa kalikasan. Ang mga pananaliksik sa National Institute of Science and Technology (NIST0 sa Philippine Council for Health research and development (PCHRD) at sa pamantasan ng Pilipinas ay napatunayan na ang bisa ng mga halamang gamot sila ngayon ay bumubuo ng isang panukala para sa pag asa ng paggawa at pamamahagi ng mga halamang ito sa lalong pinagbuting anyo. Gayon pa man ang mga halamang ito ay may gayon din bisa sa kanilang likas na anyo mula sa taniman o likod bahay na bakuran. And mga dahon at mga bulaklak ay maaaring pakuluan at makagawa ng mga panapal mula sa mga ugat at balat ng mga puno.
         Ang paggamit ng tubig ay mapagiibayo ang nagpapagaling na bisa ng mga halaman. Ito ay maaaring gawin sa loob ng tahanan, na ginagamit ang anumang mga payak na bagay na maaaring gamitin. Samantalang maari kayong makabili ng halamang-gamot na kailangan mula sa mga "Botika sa tabing daan" tulad ng mga nasa labas ng sibahan ng Quiapo, Kailangan din ninyong nag tiyak na halamang gagamitin sa taglay ninyong karamdaman. Para sa higit na mabuting bunga, Sunding mataman ang mga tagubilin sa aklat na ito. Pagsamahin ang mga halaman at tubig. Ito ang payak na muram ngunit mabisang paraan upang malunasan ang mga karaniwang kapansanan at mahadlangan ang mga lalo pang malubhang ibubunga. Ang mga karamdaman na nakatala dito ay yaong simple at walang komplikasyon. Hindi tinitiyak ng may akda ang ganap ang lubusang paggaling ng karamdaman pagkatapos na gumamit ng tubig at halamang gamot. Ito ay mga mungkahing lunas na napatunayan mabisa. Gayon paman, ang mga komplikasyon at mga tiyak na mga kalagayan na hindi pa nasusumpunga  sa kasalukuyang kaalaman ukol sa mga halamang gamot ay hindi mai pagwawalang bahala. ang mga komplikasyon ay maiwasan kung ang paraan at mga tagubilin ay maingat na sinusunod.

No comments:

Post a Comment